Miyerkules, Pebrero 13, 2013

Ü Kasaysayan ng Antipolo Ü


 Aming  Naranasan habang nangangalap ng Impormasyon
               Ang aming nararasan habang nangangalap ng impormasyon, napakahirap pa lang maging isang “Journalist”. Kung saan para kaming tunay na  “Journalist” nagtatanong-tanong at kung minsan pa, ang aming natatanungan ay wala rin kaalaman tungnkol sa Kasaysayan ng Antipolong sarili nilang bayang sinilangan….



          
 Mga Taong Nakilala
              Marami kaming nakilalang tao sa Antipolo, dahil lamang sa patatanong kung saan ang Ynares, Pagpasensyahan nyo na po, sa sobrang pagmamadali naming di nanamin na tanong kung sino-sino sila. Ngunit maraming salamat po….. sa pagturo ng tamang direktion papuntang Ynares.




 Mga impormasyong aming natuklasan
               Sa katunayan po, di talaga naming nilibot ang Antipolo, dahil sa kaulangan na rin po ng pera. Ngunit ang aming  natuklasang impormasyon ay; tunay naginto pala ang korona ng mahal na Birhen ng Antipolo….



 Saloobin o opinion tungkol sa paksa, karanasan, lugar, at iba pa

              Ang masasabi ko  lang sa aming napiling paksa ay, napakahirap palang hanapin o siyasatin ang kasaysayan ng Antipolo lalo na kung konteng impormasyon na lamang ang ang alam ng mga Antipoleño. Konte na rin ang mga lugar na may kaugnayan sa kasaysayan, hirap na rin kaming mangalap ng impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Antipolo……  kaya po kami ay gumamit na ng “internet”.




 Paano nagsimula ang bayang Antipolo?


      




  Sagot:



Antipolo
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Ang Antipolo ay isang lungsod sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal, 25 km sa silangan ng Maynila. Ito ang pinakamataong lungsod sa Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila at ika-pito naman sa buong bansa sa populasyong nitong 633,971 noong 2007.[1]
Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8508,[2] naging kabahaging lungsod ng Rizal ang Antipolo noong Abril 4, 1998 mula sa pagiging isang bayan ng naturang lalawigan. Pinasinayaan ang bagong kapitolyo ng Rizal sa lungsod noong Marso 2009, upang palitan ang kapitolyo nito sa Pasig na matagal nang nasa labas ng hurisdiksiyon ng lalawigan mula pa noong 1975 nang maging bahagi ng Kalakhang Maynila ang Pasig. Sa paglipat ng kapitolyo sa Antipolo, napipisil itong hirangin bilang bagong kabisera ng lalawigan.[3]Ipinroklama bilang isang lungsod na mataas ang urbanisasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang Antipolo noong Marso 14, 2011, ngunit ipinagpaliban sa 'di pa tiyak na panahon ang plebisito upang magkabisa ang nasabing proklamasyon.[4][5] Marahil na rin sa katanyagan ng Antipolo sa mga manlalakbay kaya't ipinakikilala ito bilang "Kabisera ng Paglalakbay sa Pilipinas".[6] Ang imahen ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay o Birhen ng Antipolo na nagbuhat pa sa Mexiconoong 1626 at idinambana sa Simbahan ng Antipolo ay patuloy na dinadayo ng mga Pilipinong Katoliko mula pa noong panahon ng mga Español.[7] Isa sa mga nakagawian ng mga milyun-milyong manlalakbay[8] sa dambana ng Birhen ng Antipolo ay ang paglahok sa taunang "Alay Lakad" na ginaganap tuwing bisperas ng Biyernes Santo at Mayo 1. Kung saan magmula sa Simbahan ng Quiapo, kasunod ng ipinuprusisyong imahen ng Birhen ng Antipolo, at iba't-ibang bayan ng Rizal at Kalakhang Maynila ang mga deboto ay naglalakad lamang patungo sa Simbahan ng Antipolo. Nakagawian rin na ipinapabendisyon ang mga bagong sasakyan sa simbahan, sa paniwalang ito'y magbibigay proteksiyon at kaligtasan sa sasakyan at sa mga sasakay rito.[9]








 Saan nagmula ang pangalang  Antipolo ?_?
       

 Sagot:
                 Ayon sa aming mga napagtanungan,  sa punong “tipolo” nagmula ang pangalang Antipolo……
Ayon sa kwento, sa puno ng Tipolo nagpakita ang emahe ni Maria. Kakalipat-lipat  ng mga kwentong ito ng español, hanggang sa matawag na itong ANTIPOLO. Ü










 Sino-sino ang    mahalagang tauhan na may kaugnayan sa pagsilang ng Antipolo?



       

 Sagot:






    "Sampung Taong may kaugnayan sa pagsilang ng bayang Antipolo”
                                        

Don Juan Marquez Sumulong- ay ang unang Antipoleño na naging Senator at tumakbo bilang Pangulo laban sa mga dating Pres. Manuel L.Quezon. Bago ang kanyang pampulitikang magtipid, Sumulong sekretarya ng mga rebolusyonaryo sa lalawigan.





James O'Hara- ay isang Amerikanong Irish na bahagi ng pangkat ng humigit-kumulang 500 guro tagapanguna na ipinadala sa pamamagitan ng ang pamahalaan ng US sa Pilipinas sa unang bahagi ng 1900. Ulunan niya ang unang Antipolo pampublikong sistema ng paaralan.




Valentin Sumulong- ay ang unang mayor sa ng Antipolo at Presidente Los Alcaldes pagkatapos ng sibil na pamahalaan ay naibalik sa 1901 ng Amerikano.





Procopio Angeles- ang sakristan mayor. Siya at ang mga miyembro ng komunidad evacuated Birhen ng Antipolo mula sa iglesia sa Colaique at sa iba't ibang bayan ng Morong (Rizal Province na ngayon), sa panahon ng digmaan.




Miguel Ver at Terry Adevoso- humantong isa ng dalawang yunit ng gerilya na fought laban sa Hapon sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagpatuloy sila sa struggled sa panahon ng trabaho, na kilala bilang Hunters ROTC.








Marcos Villa Agustin- ay ang pinuno ng mga kawal Minamarkahan ang Fil-Amerikano, ng isang anti-Hapon yunit gerilya na kilala sa ilalim ng pangalan ng Brig. Pangkalahatang Agustin Minamarkahan ang.






Lorenzo Sumulong- ang Senator mula sa Antipolo na matapang nahaharap Russian Premier Nikita Khrushchev sa isang mabangis debate sa United Nations. Ang pangunahing sinabi na kaya galit na inalis niya ang kanyang sapatos at pounded ito sa plataporma.





Padre Francisco Avendaño-, na kasama Mayor Manuel Seranillo, Jose Lawis at Leoncio Anclote, humantong ang gusali ng pansamantalang simbahan ng Antipolo pagkatapos ng mabangis na pagsalakay ng World War II. Humantong din niya ang unang magprusisyon ng
Birhen ng Antipolo mula sa mga burol ng Pinagmisahan noong Mayo 6, 1947.





Rev. Protacio G. Gungon, D.D.- ay ang unang obispo ng diyosesis ng Antipolo na kung saan ay nilikha noong Hunyo 25, 1983.






Joven Cuanang- neurosurgeon at isang pilantropo. Convert siya ang kanyang ari-arian sa Sierra Madre St., Grand Heights sa Pinto Art Gallery na nagho-host nagpapakita, film screening at Antipolo Arts Festival.





 Ano ang kwento na Bayang Antipolo?



 Sagot:


ANG PUNONG TIPULO (The Antipolo Tree)
By: Bienvenido M. Alarcon

Ang puno ng Tipulo o ang Antipolo Tree ay isang mahalaga at makasaysayang punong kahoy sa Lungsod ng Antipolo. Bukod sa sinasabing dito hinango ang pangalan ng pook na ito ay sa mga sanga pa rin daw nito nakita ang imahe ng Birhen ng Antipolo matapos ang tatlong ulit na pagkawala nito sa pook ng Sitio Santa Cruz na unang pinagdalhan sa kanya, humigit-kumulang sa tatlong daan at pitumpo at siyam na taon na ang nakalilipas. Bunga ng pangyayari, sa pook na iyon na ngayon ay kinatatayuan ng Antipolo Cathedral ay ipinagawa ng mga paring Hesuita ang simbahang bato noong 1630-1633 na sa kasamaang palad ay nawasak noong Marso 6-7, 1945 sa panahon ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko. Ang punong kahoy na ito na ayon sa kasaysayan ay malaganap na tumutubo sa lahat halos ng panig ng Antipolo apat na raang taon na ang nakalilipas ay unang nakilala sa kanyang pang agham na pangalang (scientific name) Artocarpus Incisa. Subalit sa mga aklat na The Forest of the Philippines ni H.N. Whitford noong 1911; Commercial Woods of the Philippines ni E.G. Schneider; Minor Product of Philippine Forest ni William H. Brown noong 1920 ng Bureau of Forestry; gayon din sa aklat na Philippine Woods ni Luis J. Reyes ng Department of Agriculture and Commerce noong 1938 ay sinasabing Artocarpus Cummunis. Ayon pa rin sa nabanggit na mga aklat ang punong kahoy na ito ay hindi lamang sa pook ng Antipolo matatagpuan. Maging sa mga lalawigan ng bansa buhat sa Cagayan hanggang Mindanao ay marami din nito. At sa bawat bayan o lalawigan ay may kanya-kanyang katawagan (common name) ito na gaya ng tipulo, tipolo, pakak, kamangsi, rima, ugob, pakak-bakia, tuyop, kamanse, dalungian, agob, basara, tagob, tugob, atipuno, antipolo, at iba pa. Sinasabi pa rin sa nabanggit na mga aklat na ang mga punong kahoy na kapamilya ng Antipolo Tree ay ang Anubing (Artocarpus Cumingiana) at ang Nangka (Artocarpus entergra/integrefolia). Sa ibang lalawigan ay sinasabi rin na kinakain ang murang bunga nito sa pamamagitan ng pagsasama sa nilagang karne. Ang magulang na mga buto naman ay ibinubusa na ‘tulad ng balatong. Subalit dito sa Lungsod ng Antipolo ay hindi kinakain ito. Ang tuyong dahon lamang nito, kasama ang tuyong dahon din ng abocado at sariwang dahon naman ng pandan ay isinasama sa pinakulo o nilagang tsaa upang maging mabango at malinamnam ang lasa. Samantala, sa pahina 162 ng The heritage Illustrated Dictionary of the English Language International Edition, na ang punong kahoy na Artocarpus Cummunis ( or A. Incisa) ng pook ng Polynesia ay ang tinatawag na Breadfruit. Subalit sa pahina 158 naman ng The New International Encyclopedia 1996 Edition published by Triden Press International ay sinasabi na sa South Pacific ang Breadfruit nila ay ang Artocarpus Atilus na kapamilya ng mga puno ng mulberry ay kinakain ang bunga. Marami rin daw ang tumutubo nito sa tropical America. Kung ano ang pagkakahawig, pagkakamukha, o pagkakaiba ng mga iyon sa ating Antipolo Tree ay malalaman natin sa ibang pagkakataon. Samantala pa rin, sa gitna ng kahalagahan ng Antipolo Tree, ang lahat halos ng sektor ng mga mamamayan ng Lungsod ng Antipolo ay waring walang pagmamalasakit dito. Katunayan, samantalang isinusulat ito, humigit-kumulang lamang marahil sa bilang na limampu ang natitirang tumutubo doon na halos walang pumapansin liban kung ang lilim nito ay gagawing pananggalang sa init ng araw at mga bahagyang pag-ambon. Sa liwasang bayan ng Lungsod ng Antipolo, lubhang napakahirap paniwalaan subalit totoo, wala kahit isang puno ng Antipolo Tree ang nakatanim o tumutubo dito. Maging sa mga lote ng pribado at publikong paaralan dito sa Antipolo ay mahirap makakita ng kahit isang Antipolo Tree na tumutubo doon. Kung mayroon man, napag-uusapan kaya ng mga guro at mga estudyante nila ang tungkol sa punong kahoy na ito? Sa gilid ng open space na kinaroroonan ng basketball court ng Monte Rosas Executive Village sa Barangay Dela Paz ay may dalawang puno ng Antipolo Tree na itinanim ng inyong lingkod walong taon na ang nakalilipas. Napakaganda ng tubo, malilim at malaking kasiyahan ang naidudulot nito sa mga naninirahan doon lalo na sa kanilang mga kabataan. Sa tabi ng gusali ng yumaong Francisco “komong” Sumulong sa Ninoy Aquino Blvd., Barangay Dela Paz na kung saan naroroon ang tanggapan ng DENR, ay isang magandang puno ng Antipolo Tree ang matatagpuan. Iyon ay kaloob ng iyong lingkod kay Ka Aging Reyes Sumulong walong taon na ang nakalilipas. Maidadagdag pa rin natin dito na sa tabi ng Barangay Hall ng Dalig ay isang napakaganda ring Antipolo Tree ang itinanim ni Kapitan Engineer Loni M. Leyva. Gayon din sa tabi ng magandang tahanan nina Doktora Resurrection Marrero-Acop, MD sa Barangay Dela Paz; Dr. Juan F. Torres Jr. MD sa Cottonwood Height; at Rico Naidas sa tabi ng kanilang Las Brisas Hotel & Conference Center malapit sa Beverly Hills. Sa mga taga-Antipolo, matapat nating pahalagahan ang puno ng Tipulo, ang Antipolo Tree, na luntiang simbolo ng maluwalhating kaysaysayan, kultura, at mga tradisyon ng ating Lungsod.







Wekipedia,(2013,Enero). Antipolo. Nakuha noong, Enero 29, 2013, sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Antipolo
Antipolo.gov,History. Nakuha noong Enero 29, 2013, sa http://www.antipolo.gov.ph/history.php





Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento